-- Advertisements --
DA WILLIAM DAR SPEECH
DA Sec William Dar

VIGAN CITY – Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng pagbaha dahil sa Bagyo Ineng sa Ilocos Norte.

Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na nitong Lunes nagsimula ang recovery program ng DA sa mga nasalantang magsasaka sa nasabing lalawigan.

Aniya, maliban sa mga butong maaaring itanim ng mga ito, magbibigay din ang ahensya ng P25,000 na loan assistance ngunit walang interes at maaaring mabayaran sa loob ng tatlong taon.

Sinabi nito na pawang mga pananim na palay, mais at gulay ang mga naapektuhan sa pagbaha na aabot sa halagang P120-milyon.

Kasabay nito ay pinayuhan na ng opisyal ang mga magsasaka sa bansa na kung maaari ay anihin na nila ang kanilang mga pananim dahil sa panibagong bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility upang hindi sila labis na maapektuhan kung sakali mang mayroong malawakang pagbaha na maganap.