CENTRAL MINDANAO-Umakyat pa sa 89.23% recovery rate o 4,807 sa kabuoan ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease o COVID-19 sa SOCCSKSARGEN Region.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health o DOH XII ng karagdagang 31 recoveries.
Labingdalawa sa mga gumaling ay mula sa General Santos City, siyam sa North Cotabato, pito sa Sarangani, dalawa sa Sultan Kudarat at isa mula sa South Cotabato.
Nagpositibo naman ang 12 residente sa rehiyon kagabi kung saan may tig-tatlo ang Gensan, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat kung kayat abot na sa 5,387 ang total infections.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumaling, bumaba pa sa 387 ang active cases o ang bilang ng mga pasyenteng patuloy pang nagpapagaling at nananatili sa isolation facilities.
Samantala, binawian naman ng buhay ang isang 44-anyos na lalake sa Banga, South Cotabato.
Ito na ang ika-192 Covid-related death sa Region XII.