-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Posibleng abutin pa ng Hulyo o Agosto ng susunod na taon ang pag-recover ng mga hog raisers na naapektuhan ng Bagyong Odette ang kabuhayan sa Visayas at Mindanao area.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nicanor Briones, vice president ng Pork Producers Federation of the Philippines sa Luzon, nakausap niya ang ilang opisyal ng kanilang grupo sa mga nasabing lugar partikular na ang may-ari ng pinakamalaking piggery sa Cebu.

Nasa 60 building aniya nito ang nasira dahil sa bagyo habang marami rin na mga alaga ang namatay.

Dati na ring kinukulang ang suplay dahil sa nagpapatuloy pang mga kaso ng African Swine Fever at dagdagan pa ng pagtaas ng mga gamit sa pagkain ng mga baboy.

Inaasahang magkukulang ang suplay ngayong pasko at bagong taon.

Sa kasalukuyan, nasa P220 kada kilo na ang farmgate price sa live hogs at P330 hangang P360 sa bentahan ng karne sa palengke.