-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Nueva Ecija Regional Trial Court sa large-scale illegal recruitment the recruiters ng Pinay na nasa death row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) president Atty. Edre Olalia, nagbaba na ng hatol kanina si Presiding Judge Anarica Castillo-Reyes ng Branch 88.

Dito ay napatunayan umano ang kasalanan nina Ma. Cristina Sergio, alyas Mary Christine Guilles Pasadilla at Julius Lacanilao.

Batay sa ruling, nilabag umano ng dalawa ang Republic Act 8042 o Migrant Workers Act, kaya nahatulan silang makulong nang habang buhay.

Ang kaso ay ibinatay sa reklamo nina Lorna Valino, Ana Maria Gonzales at Jenalyn Paraiso.

Habang ang hiwalay pang complaint ng kampo ni Veloso ay hindi pa rin nadedesisyunan ng korte.

Matatandaang nahatulang mabitay sa Indonesia si Mary Jane, matapos mahulihan ng maleta na naglalaman ng 2.2 kilograms ng heroin sa Yogyakarta airport.

Pero giit ng Pinay, ipinagamit lamang sa kaniya ang maleta at wala siyang kamalay-malay na gagawin silang tagapagdala ng naturang milyon-milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot.