-- Advertisements --

Sinimulan na rin ng Department of Migrant Workers ang pagrerecruit ng mga healthcare workers sa bansa partikular na sa Baguio City.

Ayon sa ahensya ang mga mare-recruit ay sasailalim sa libreng pagsasanay.

Paliwanag ng Department of Migrant Workers, sa oras na matapos na ang training ay kaagad naman itong idedeploy sa sa mga ospital sa kanilang mga lokalidad para ipadala sa abroad para magtrabaho.

Bukod naman sa mga healthcare worker, nagrerecruit din ang DMW ng mga guro at aspiring nurses.

Layon din ng hakbang na mapunan ang kakulangan sa healthcare workers sa bansa.