-- Advertisements --

Nadiskubre umano ng militar ang ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) sa area ng Batangas.

Lalo na ang pagsailalim sa training ng kanilang mga bagong recruits.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay 2nd Infantry Division commander M/Gen. Rhoderick Parayno kaniyang sinabi na grupo ni Mario Macaraig alias Jethro, secretary Guerilla Front Honda, ng Southern Tagalog Regional Party Command (STRCP) ang nag-o-operate sa area ng Batangas na siyang nakasagupa kamakailan ng mga sundalo.

Sinabi ni Parayno na nasa 16 ang miyembro ni alias Jethro subalit may mga bagong recruits ang grupo.

Nasa 16 na indibidwal ang bagong recruits ng NPA na kasalukuyang sumasailalim sa training.

Kinumpirma ni Parayno na nasa 12 rebelde ang sugatan sa naganap na enkwentro kamakailan sa Batangas.

Hinimok ng militar ang mga sugatang NPA na sumuko na lamang sa otoridad ng sa gayon matulungan ang mga ito na bigyan ng kaukulang medical attention.

“In the light of the wounded they suffered as a result of the enc, we rqst you to relay to them that it would be better for them to surrender so we can help them get medical attention. Like always, we assure them that they won’t be harmed contrary to their teachings that we hurt those who surrender,” mensahe ni Parayo na ipinadala sa Bombo Radyo.

Tiniyak naman ni Parayno na hindi nila sasaktan ang mga sumukong rebelde.

Ito ay taliwas sa turo ng komunistang grupo na sila ay sasaktan ng militar kapag sumuko.

Lubos naman ang pasasalamat ng militar sa mga sibilyan sa lugar sa kanilang kooperasyon dahil sila mismo ang nagbibigay ng impormasyo kaugnay sa ginagawang training activity ng rebeldeng grupo sa lugar.

“We thank you for your vigilance in reporting the enemy training activity in the area. We assure you that we’ll continue to protect you from this group that doesn’t want you to prosper and will do everything for you to not live in peace,” dagdag pa ni Parayno.

Samantala, sinabi ni Parayno na nais nila manatiling progresibo at mapayapa ang Batangas kung kaya’t gagawin nila ang lahat maneutralized ang mga armadong grupo na nag- ooperate sa lugar.

“We want to keep Batangas progressive and peaceful. Let’s bring misguided elements of society to this path,” ayon kay Parayno.