Naniniwala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat bilisan ng gobyerno ang COVID-19 vaccine rollout sa gitna ng nararanasang pagbulusok ng ekonomiya ng bansa dahil sa health crisis.
“Step on the gas on vaccine procurement. ‘Yan ang Artikulo Uno sa mga dapat gawin ng pamahalaan. Joblessness is a result of jab-lessness. Vaccination injects the people with immunity and it injects the economy with vitality,” saad ni Recto sa isang pahayag.
Giit ng senador, ang pagbaba sa consumption ay nauwi sa pagkalugi ng nasa P1.05-trillion noong 2020.
Una nang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., layon ng pamahalaan na mabakunahan ang 50-milyon hanggang 70-milyong Pilipino ngayong taon.
Posible rin aniyang dumating ang unang batch ng mga bakuna sa bansa sa huling bahagi ng Pebrero.
Samantala, iginiit din ni Recto na dapat ding siguruhin ng gobyerno ang food security sa pamamagitan ng pag-review sa farm-to-table chain.
“Every step, and not just focus on the narrative na ‘kasalanan ng middleman.’ Many of the problems are upstream—production for one, and not just on overpricing. When traders are paraded as the usual suspects, we may not be able to find the real solution,” ani Recto.
Paglalahad ng mambabatas, nilalaan ng pangkaraniwang pamilyang Pilipino ang 43% ng kanilang kita sa pagkain, habang halos 60% naman sa mga mahihirap na pamilya.
“If the daily minimum wage won’t be enough to buy a pot of chicken tinola, then hunger becomes COVID’s deadliest side effect,” dagdag nito.