-- Advertisements --

Bibiyaheng Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para dadalo sa ika-34 na ASEAN Summit na gaganapin ngayong June 22 hanggang 23.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West, sasamahan si Pangulong Duterte ng pitong Cabinet secretaries.

Ayon kay Asec. Mahilum-West, “advancing partnership for sustainability” ang magiging tema ng ASEAN Summit na tututok umano sa pagpapaigting ng tulungan ng mga bansa.

Kabilang sa mga dadaluhan ni Pangulong Duterte ang summit plenary, gala dinner, leaders retreat at iba pa.

Inihayag ni Asec. Mahilum-West, pag-uusapan sa pulong ang isyu sa West Philippine Sea kung saan may pagkakataon para mabanggit ng ni Pangulong Duterte ang nangyaring insidente ng pagbangga umano ng isang Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipno sa Recto Bank.

“Pwede naman ho, on the exhcnage of regional views on regional developments, there is an opening to raise these issues because incidents like what happen emphasize the importance of having a code of conduct so we could avoid, we could prevent incidents from happening in the future,” ani Asec. Mahilum-West.

Samantala, magkakaroon rin ng bilateral meeting si Pangulong Duterte sa ibang leaders habang inaasahan namang 16 na dokumento ang iisyu ng mga lider sa gaganaping ASEAN Summit.