Nais ni Finance Secretary Ralph Recto na magkaroon ng mahigpit na batas laban sa mga online gambling.
Ito ay sa malawakawang panawagan na tuluyan ng pagbawalan ito sa bansa.
Ayon sa kalihim na mayroong malaking tulong sa kita ng gobyerno ang mga online gambling.
Dagdag pa nito na taon-taon ay mayroon silang nakukulektang kita sa Philippine inland gaming operator (PIGO) na pinapatakbo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Bilang solusyon aniya ay mahalaga na magpatupad ang gobyerno ng panuntunan ukol sa nasabing mga industriya.
Ilan sa mga suhesitiyon nito na para matiyak na nasa tamang edad ang mga maglalaro ay hanapan dapat ito ng mga national ID na nagpapatunay na hindi sila menor de edad.
Magugunitang ipinapanukala ng mga mambabatas na dapat kanselahin na rin ang mga lisensya ng mga PIGO dahil ito ay nakakasira sa buhay ng mga simpleng mamamayan.