Iba-iba man ang advocacy ng mga aspiring at minsan nang naging beauty queens, tila “common denominator” ng mga ito ang pag-promote sa pananatili pa rin ng fashion sa pagpasok ng “new normal” bunsod ng coronavirus pandemic.
Tulad na lamang ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na muling ibinibida ang sariling produkto ng bansa partikular ang tatlong Filipino fabrics na inabel, inaul, at yakan mask.
Sa kanyang Instagram, patok ang pagterno ni Catriona sa kanyang make up at sa choice of hand woven face mask nito.
Hindi pa naman kabilang sa make up session with face mask ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, ang “lava” design ni Mak Tumang na ihahango sa “lava” concept noong kasagsagan ng 2018 Miss Universe coronation.
Kung maaalala, pumatok ang “lava walk” o yaong slow-mo twirl ni Catriona partikular sa pagrampa suot ang kanyang kulay pink na swim suit attire.
Pinag-usapan din ang makinang na kulay pulang gown ni Gray na malinaw na simbolo ng Bulkang Mayon.
Una na ring nag-showdown ang ilang Miss Earth-Philippines candidates ngayong taon sa pag-produce ng face shield na gawa lamang sa recycled materials.
Para kay Tsina Jade Chu na pambato ng Iloilo, hindi lahat ay afford na makabili ng protective gear kaya may “eco friendly” suggestion ito na subukan ang mga plastic bottles bilang face shield.
Sa mga larawan ng Ilonggo bet sa Miss Earth Philippines, makikitang ginupit nito ang tuktok na bahagi ng malaking plastic bottle bago ito tila ibinuka at tinahian ng tela sa gilid upang mawala ang mga matatalim na texture.
Pareho naman kay Catriona ang pagsuporta ni Roxanne Baeyens ng Cordillera Region kung saan pananaw nito ang pagiging “protected and crafty” sa tila matatagalan pang community quarantine sa malaking bahagi ng bansa.

