-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inamin ni Senate Minority leader Franklin Drilon na laganap na ang recycling ng iligal na druga noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Drilon, sinabi nito na sa makalipas ang halos tatlong dekada, hindi pa rin nasosolusyunan ang nasabing problema.

Ayon pa sa Ilonggo senator, ang naging kalakaran sa tuwing may isinasampang kaso, kalahati na lamang ng kabuuan ng nakumpiskang iligal na druga ang ipinepresenta ng otoridad dahil at itinatago ang ibang illegal drugs upang gawing savings at ginagamit sa pagpapa-planted ng illegal drugs sa kanilang mga operasyon.

Ani Drilon, dahil dito lalong mahihirapan ang Duterte administration sa pagpatupad ng war on drugs campaign dahil mismong ang mga kasapi ng law enforcement agency ang involved sa illegal drugs.

Napag-alaman na mahigit na sa P22 billion na halaga ng illegal drugs na nasa inventory sa Camp Crame ang hindi pa nai-dispose.