-- Advertisements --

CEBU – Nakataas na sa red alert status ang buong lungsod at lalawigan ng Cebu bilang paghahanda sa Bagyong Odette na inaasahang dadaan sa Central Visayas.

Sa lalawigan ng Cebu, inihayag ni Niel Angelo Sanchez, ang Cebu PDRRMO Head, na naka-standby na ang lahat ng mga equipments at kanilang mga personnel na nakahanda na para sa mobilization panahon ng emerhensiya, lalong-lalo na sa mga na-identify nila na mga landslide at flood prone areas sa Northern at Southern Cebu.

Tiwala naman ito sa mga Local Disaster Team ng bawat Local Government Units ng probinsiya na may kapasidad ang mga ito para sa pag-responde, dahil diumanoy mas alam ng mga ito ang kanilang mga lugar.

Aniya, naka-standby lang ang mga equipments at personnel ng PDRRMO upang magbigay ng backup para sa mga LGUs.

Kanya-kanya naman ang paghahanda na ginagawa ngayon ng local disaster team ng Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City at Talisay City, Cebu.

Base sa panayam ng Bombo Radyo Cebu sa Pagasa-Mactan pasado alas 9 kaninang umaga, nabatid na kabilang na sa Signal No. 1 ang Metro Cebu kaugnay sa bagyong Odette.