Itinaas sa Red at Orange Rainfall warning ang maraming mga probinsya sa Northern Luzon, kasabay ng nagpapatuloy na pananalasa ng bagyong Julian.
Nangangahulugan ito ng mabibigat na pag-ulan na maaaring magdulot ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa.
Kabilang sa mga nakataas sa Red Warning ay ang mga probinsya ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Abra, at probinsya ng Cagayan.
Nakataas naman ang Orange Rainfall Warning sa probinsya ng Ilocos Sur, at ilang bahagi pa ng Cagayan Valley Region.
Batay sa forecast ng DOST-PAGASA, maaaring magpatuloy ang mabibigat na pag-ulan sa mga naturang lugar dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Julian.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang sa manaka-nakang pag-ulan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at Quezon sa susunod na oras.
Maging ang mga mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan ay asahan sa Zambales, Tarlac, Metro Manila at Rizal na posibleng tumagal din ng ilang oras.