Kinumpirma ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na naisailalim na nila ang Luzon at Visayas Grid sa Red at Yellow Alert ngayong araw.
Ayon sa NGCP, ito ay dahil na rin sa manipis na suplay ng kuryente dulot ng ‘forced outage’ ng aabot sa 19 na planta sa Luzon Grid habang 12 naman ang isinailalim sa ‘forced outage’ sa Visayas Grid.
Batay sa datos ng ahensya, ang Luzon Grid ay isinailalim sa Red Alert na nagmula kaninang alas 2 hanggang hanggang alas 4 ng hapon.
At isa pang alerto na nagsimula kaninang alas 6 ng gabi hanggang alas 9 ng gabi.
Samantala, ibinaba naman sa Yellow Alert ang Luzon Grid mula kaninang ala 1 hanggang 2 ng hapon at alas 4 hanggang alas 6 ng gabi at mamayang alas 9 hanggang alas 11 ng gabi.
Nagpatupad rin ng Yellow Alert sa Visayas kaninang ganap na alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at masusundan pa mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.