Nagmistulang pageant at costume contest ang red carpet entrance ng mga opisyal ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso sa naganap na ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr.
Naggagarbuhang mga barong kasi at Filipiniana ang suot ng mga opisyal na dumalo sa Ulat sa Bayan ni Pang. Marcos sa Batasang Complex Quezon City.
Isa kasi sa naging tradisyon na ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan ay ipakita ang kanilang mga isinusulong na reporma sa pamamagitan ng disenyo ng kanilang mga kasuotan.
Ilan sa mga disenyong itinatampok sa mga kasuotan ay ang ibat’ ibang obra na makukulay na sumisimbolo sa ilang mga panawagan sa gobyerno ng ating bansa.
Tulad na lamang ng kasuotan ni Senator Nancy Binay at Senator Grace Poe na ginawa mismo ng designer na si Michael Leyva.
Gayundin ang iba pang mga Senador at Congressman na may kanya-kanya ring pakulo at disenyo sa kanilang mga kasuotan.
Kaugnay niyan, narito at pakinggan natin ang pagbabahagi ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan ukol sa kanilang naggagandahang barong at Filipiniana.