-- Advertisements --
PRC
Red Cross/ FB post

Nagpadala na ang Philippine Red Croos ng siyam na ambulansya, isang rescue vehicles , 29 staff and volunteers sa Porac, Pampanga.

Agad silang nakipag-ugnayan command post sa Porac, Pampanga pagdating sa lugar.

Aabot naman sa 60 mga indibidwal ang kanilang dinala sa Jose Sungco District Hospital matapos na magtamo ng sugat dahil sa pagguho ng ilang gusali.

Nauna rito niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Porac, Pampanga kung saan ilang mga gusali ang nasira at nagtala na rin ng walong katao ang patay.