LEGAZPI CITY — Sisimulan na bukas, Huwebes Santo ng Philippine Red Cross (PRC) Albay-Legazpi City Chapter ang 24/7 na pagbabantay, monitoring at pagbibigay ng asistensya kaugnay ng obserbasyon ng Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Red Cross Albay Operations Officer Gerald Gapayao, isasagawa ang hakbang hanggang sa Easter Sunday kung saan naka-stanby din ang kanilang ambulansya, at naka-duty ang 15-man Red Cross Action Team.
Ayon kay Gapayao, may close coordination ang grupo sa local governemt units (LGUs), gayundin sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils (MDRRMCs) sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente upang agad na makapagresponde.
Ayon pa sa opisyal, sapat ang kanilang manpower at resources para sa nasabing okasyon.
Samantala, nabanggit din ni Gapayao na nakahanda ang PRC-Albay-Legazpi City Chapter na mag-request ng dagdag na water tanker sa national headquarters sakaling mangailangan ang lalawigan dahil sa nararanasang matinding init bunsod ng El Niño.
Kung maaalala, noong nakalipas na linggo ay idineklara ang state of calamity sa buong Albay.