-- Advertisements --

Hindi rin nakaligtas mula sa pag-atake ng Russia ang Red Cross facility sa southern Ukraine port city ng Mariupol sa Kyov.

Sa isang statement ay sinabi ni Ukrainian ombudswoman Lyudmyla Denisova na tinarget ng Russian forces ang gusali ng International Committee ng Red Cross.

Kwento niya, pinaputukan daw ng sasakyang panghimpapawid at artillery ng kalaban ang gusaling may marka ng red cross na nagpapahiwatig na mayroong mga sugatang sibilyan o humanitarian cargo doon.

Ayon sa opisyal, tinatayang nasa kabuuang 10,000 katao ang nasawi dito matapos na palibutan umano ng tropa ng Russia ang strategic southern city at walang humpay na pagbabarilin ito.

Samantala, hindi naman tinukoy ni Denisova kung naganap ang naturang pag-atake at wala pa aniyang kumpirmasyon sa ngayon kung ilan ang mga namatay, at nasaktan sa naturang pangyayari.

Magugunita na una rito ay nanawagan na ang ilang aid group na magkaroon ng regular na access sa Mariupol upang magpaabot ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng walang awang mga pag-atake dito.