-- Advertisements --

Magtatalaga ang Philippine Red Cross (PRC) ng volunteers, mga kawani, at resources para sa fiesta ng Nazareno de Quiapo sa Enero 9, 2025.

Aabot sa 500 tauhan ang idedestino, kasama ang 17 first aid stations at 18 ambulansya mula sa Metro Manila.

Habang may karagdagang mga ambulansya at scooters na naka-standby din para sa mga biglaang pangangailangan ng pagresponde.

Magkakaroon din ng emergency medical unit at 50-bed capacity ward.

Binanggit nina PRC Chairman at CEO Richard Gordon at Secretary General Dr. Gwen Pang na ang kahandaan at pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan sa panahon ng aktibidad ay mahalaga dahil inaasahang dadaluhan ito ng 6.5 million katao o higit pa.