-- Advertisements --

Kinondina ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang pamamaslang ng Israel ng mga Palestinian medics sa Gaza.

Ayon sa grupo na ang nasabing insidente ay nagpapahiwatig kung gaano kadelikado ang Gaza para sa mga sibilyan maging sa mga humanitarian workers na tumutulong para iligtas ang buhay ng ibang tao.

Noong nakaraang buwan ay nasa 15 medical at humanitarian aid workers ang nasawi sa Rafah habang lulan ng ambulansya na tumutulong sa sugatang residente.

Una ng sinabi ng United Nations na tila isa ng “killing fields” ang Gaza dahil sa hindi pinapapasok ng Israel ang mga truck na may dalang mga pagkain at gamot.

Magugunitang tuloy-tuloy ang ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza hanggang tuluyang mapalaya ng Hamas ang kanilang mga hawak na bihag.