Pumirma ang Philippine Red Cross ng Memorandum of Agreement kasama ang Commission on Elections at Department of Health.
Layunin ng kasunduang ito na masiguro ang kaligtasan at maayos na kalagayan ng mga botante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa buong bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng , anunsyo ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na ang kanilang organisasyon ay magpapakalat ng 1,000 emergency medical services personnel at volunteers upang rumesponde sa anumang emerhensya.
Ang mga emergency medical services personnel ay mangangasiwa sa first aid stations , EMS mobile units , EMS foot patrols at mga ambulance units na nasa perimeter ng voting precincts sa araw ng halalan.
Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer Richard “Dick” Gordon , binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng EMS personnel at ambulansya sa mga malalaking pagtitipon.
Ang kasunduan ay pinirmahan ni PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang,COMELEC Chairman George Erwin Garcia at DOH Undersecretary and Chief of Staff Dr. Gloria Balboa.
Samantala, kinilala naman ni Garcia ang nakaraang kontribusyon ng PRC sa mga nagdaang eleksyon dahilan upang maging maayos ito.