Nakapagtayo na ng siyam na emergency field hospitals (EFH) ang Philippine Red Cross sa Lung Center of the Philippines.
Ang nasabing hakbang ay para maibsan ang pagdami ng pasyente na dinapuan ng COVID-19 na itinatakbo sa pagamutan.
Sinabi ni PRC chairman at CEO Senator Richard Gordon na magiging accessible ang kanilang emergency field hospitals sa mga itinatakbo sa Lung Center of the Philippines.
Lahat ng mga COVID-19 positives na nangangailangan ng X-ray, CT-scan, laboratories at mga medical facilities ay maaaring dalhin na sa ipinatayong emergency field hospitals.
Magsisilbing isang extension ng Lung Center ang ipinatayo nilang emergency hospitals dahil sa patuloy ang kakulangan ng mga hospital beds.
Kasama ng PRC staff, volunteers, ang Philippine Medical Association at Philippine Nurses Associations sa nasabing emergency hospitals.
Magugunitang halos lahat ng mga pagamutan sa National Capital Region ay napuno na ng mga pasyente na nagpositibo ng COVID-19.