-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Red Cross na palayain ang mga tatlong staff members nila na dinukot sa Syria.

Ayon kay Dominik Stillhart ang director ng International Committee of the Red Cross (ICRC), ang mga ito ay kasalukuyang hawak ng Islamic state militants.

Nais nilang malaman ngayon kung buhay pa ang mga ito o sila ay pinatay na.

Magugunitang dinukot sina Louisa Akavi, Alaa Rajab at Nabil Bakdounes noon pang Oktubre 2013 habang bumabiyahe sa Idlib province ng bansa.

Huling nakakuha ng impormasyon ang ICRC na buhay pa si Akavi base na rin sa mga nakuha nilang ebidensiya.