Pinag-iingat ng Red Cross ang publiko ngayong panahon ng tag-ulan na iwasan ang pagsuong sa baha ng walang suot na proteksyon lalo na kapag may open wounds dahil maaaring makakuha ng leptospirosis.
Sa inilabas na advisory ng Red Cross, matapos ang serye ng pag-ulana sa nakalipas na araw, maraming mga lugar sa Metro Manila ang binabaha.
Ayon sa Philippine Red Cross, ang leptospirosis ay dala ng Leptospira bacteria,, na nakukuha mula sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga.
Maaaring makapasok sa katawan ang naturang bacteria sa pamamgitan ng mata, ilong, bunganga at lalo na sa open wounds kapag na-exposed sa kontaminadong tubig baha, pagkain, inumin o iba pang bagay.
Paalala ng Red Cross na kapag nakitaan ng sintomas ng leptospirosis gaya ng mataas na lagnat, pamumula ng mata, panankit ng tiyan, diarrhea, pananakit ng kasu-kasuhan at vomiting ay agad na konusulta sa doktor.
Pinapayuhandin ang publiko na hindi maiwasang lumusong sa mga baha na magsuot ng gloves, boots at iba pang protective gear para maproteksyunan laban sa naturang sakit.