-- Advertisements --

Hinimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na maghanda ng isang 72-hour safety kit bilang paghahanda na rin sa maulan na panahon.

Ang apela at paalala na ito ay ginawa ni PRC chairman Richard Gordon matapos na sabihin ng Pagasa na nasa 10 bagyo ang posibleng tumama sa bansa mula Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.

“We urge the public to be more cautious this rainy season. The Philippines sits across the typhoon belt making it prone to powerful storms,” ani Gordon.

Iginiit ng senador na dapat palaging handa ang publiko kaya marapat na mayroong naka stand-by na 72-hour safety kit na naglalaman ng mga pagkain, tubig, emergency tools, gamot, pera at mga mahahalang dokumento.

Sinabi rin ni Gordon na dapat panatilihin ng publiko ang wastong kalinisan at sanitation para makaiwas na rin sa leptospirosis, dengue, cholera, sore eyes, diarrhea, at trangkaso.

“The PRC 143 volunteers in every barangay regularly conducts an evacuation drill to make sure that every person in the community is safe from different calamities they might encounter during the rainy season,” ani Gordon.