Nananatiling nakataas sa red rainfall warning ang 5 probinsiya nitong umaga ng Miyerkules sa gitna ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina na nagdudulot ng malawakang pagbaha.
Kabilang dito ang mga lalawigan ng Rizal, Bataan, Pampanga, Bulacan at Metro Manila kung saan may banta ng matinding pagbaha sa flood-prone areas.
Nakataas naman ang yellow warning sa Laguna, Batangas, Tarlac at Quezon province partikular na sa General Nakar, Infanta, Real, Mauban at Sampaloc kung saan may associated hazard ng pagbaha sa flood-prone areas.
Nakasailalim naman sa orange warning ang Cavite at Zambales kung saan nagbabadya pa rin ang mga pagbaha.
Samantala, nakakaapekto naman ang mahina hanggang sa katamtaman na may pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan sa Nueva Ecija and Quezon(Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong, Tayabas, Lucban, Lucena, Pagbilao, Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Jomalig, Lopez, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Panukulan, Patnanungan, Perez, Pitogo, Plaridel, Polillo, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso, Tagkawayan, Unisan) na magtutuloy-tuloy pa sa loob ng 3 oras.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang publiko at concerned Disaster Risk Reduction and Management Offices na i-monitor ang lagay ng panahon.