Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa mga Pilipinong tripulante na mag-ingat sa paglalayag sa karagatan lalo na sa bahagi ng Red Sea.
Ayon sa ahensya, sa ngayon kasi ay nananatili pa rin ang panganib sa mga mga barko na naglalayag sa naturang bahagi ng karagatan.
Ito ay dahil aniya sa tumitinding girian at away sa Red Sea.
Ang ganitong mga insidente ay nagdudulot ng banta sa buhay ng mga Pinoy seafarers at maging sa iba pang mga banyagang tripulante na nagtatrabaho doon.
Hinimok rin ng ahensya ng mga tripulanteng Pilipino na gamitin ang kanilang karapatan na tumangging maglagay sa naturang karagatan.
Kung maaalala, ilang beses nang nabiktima ang mga Pinoy seafarers dahil sa pag-atake ng mga Houthi rebels sa mga barko na naglalayag sa karagatan.