-- Advertisements --

ILOILO CITY- Idi-display sa Iloilo City ang dalawang gown na ginamit ni Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa designer na si JunG Candelario ng Lemery, Iloilo, sinabi nito na high value ang nasabing gown na may mga swarovski crystal beads.

Ayon kay Candelario, espesyal ang nasabing gown dahil si Rabiya mismo ang personal na nagpagawa at pumili ng disenyo.

Napag-alaman na ang puting gown na ginamit ni Rabiya sa preliminary competition ay tinahi ng isang linggo habang isang buwan naman na ginawa ang kanyang red winning gown.