-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Malaki ang paniniwala ni 4th Infantry “Diamond” Division commander Brig. Gen. Franco Nemecio Gacal na isang “cheap propaganda” ng Communist NPA Terrorists (CNT) ang nangyayaring pag-uugnay sa ilang mga miyembro ng media sa mga rebelde.

Ayon kay Gacal layunin umano ng makakaliwang grupo na pag-awayin ang mga kagawad ng media at militar.

Tinitingnan din nila ang posibilidad na idaan sa red tagging ang mga personal na alitan o ‘di kaya’y may kinalaman sa politika.

Hinikayat ni Gacal ang mga nabiktima ng red tagging na huwag matakot upang hindi na mas-ma engganyo pa ang mga responsable na ipagpatuloy ang kanilang propaganda.

Ipinangako ng opisyal na gagawa sila ng mas malalim pang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod nito.