Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na may basehan na ang Red tagging sa Makabayan bloc.
Ito’y matapos na mapatay sa engkwentro ng NPA at Philippine Army sa Surigao del Sur ang amasona na bunsong anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Culliamat na si Jevilyn Cullamat.
Ayon sa kalihim, malinaw na sinusuportahan ng Makabayan ang ginagawang marahas na pakikibaka o armed struggle ng New People’s Army (NPA).
Inihayag pa ng kalihim na maliban sa bunsong anak ni Rep. Cullamat, miyembro rin daw ng NPA ang ilang kapatid nito.
Nanawagan naman ngayon si Sec. Lorenzana sa Communist Party of the Philippines -New People’s Army na itigil na ang marahas na pakikibaka para sa mga kabataang namamatay na kanilang nalilinlang umanib sa kanilang samahan.
“I call on the Makabayan bloc to stop supporting the CPP NPA and denounce the NPA, who have left a trail of death and destruction all over the country for more than 50 years,” pahayag pa ni Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana, napakasayang na may mga kabataan na namamatay dahil lamang sa maling paniniwala.
Giit [a ng kalihim, matitigil lamang na may mga kabataan na nasasawi sa mga labanan kung itigil na ng komunistang grupo ang kanilang pagre-recruit.
“Losing the young is a tragedy in itself but losing them in a senseless war being waged by the NPA against the government is an even greater tragedy. This killing of our youth will continue until their recruitment in or out of school is stopped. I call on all parents to be vigilant to prevent their children from being recruited,” wika [a ni Sec. Lorenzana.