Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko matapos na itaas sa red tide alert ang mga coastal areas sa siyam na probinsiya.
Kabilang sa mga lugar na nakitaang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, coastal waters sa Biliran island.
Sa may Western Samar apektado rin ng red tide ang coastal waters sa Daram island, Maqueda, Cambatutay, Irong-irong at San Pedro bays.
Gayundin sa Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Mayroon ding mga coastal waters sa Bataan ang apektado ng red tide toxin kabilang ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, hermosa, Orani, Abucay at Samal.
Paalala ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha mula sa mga nabanggit na lugar ay hindi safe kainin maliban na lamang sa mga isda, squids, shrimp at crabs basta ang mga ito ay sariwa at maiging nahugasan at natanggal ang lamang loob bago lutuin.