Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na bumalik ang red tide sa San Pedro Bay sa lalawigan ng Samar, mahigit isang linggo matapos itong alisin mula sa mga nakakalason na toxins.
Batay sa pagsusuri sa laboratoryo, nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) toxin ang shellfish meat sample na nakolekta mula sa bay sa bayan ng Basey, Samar.
Sinabi ng BFAR na ang madalas na pag-ulan noong nakaraang linggo dahil sa northeast monsoon ay nag-trigger ng runoff ng mga pollutant mula sa kabundukan hanggang sa dagat.
Ang runoff ng mga sediment ng lupa na mayaman sa organic load ay nagpataba sa cyst ng red tide.
Pinayuhan ang publiko na iwasan ang pangangalap, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfishes at “acetes” o “alamang”.
Sinabi ng kawanihan na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t sariwa at hugasan nang maigi.
Kung matatandaan, noong Marso 10, naglabas ang BFAR ng local shellfish bulletin, na nag-aalis sa San Pedro Bay mula sa red tide.
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay regular na nagsusuri ng mga sample ng tubig sa pamamagitan ng regional laboratories nito upang matiyak na ang mga produktong shellfish ay ligtas para sa pagkonsumo ng mamamayan sa mga nabanggit na lugar.