-- Advertisements --
red tide

Muling nagbigay babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa publiko, kasunod ng pagpositibo sa red tide ng walong baybayin sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng ahensiya, positibo sa red tide toxin ang mga sumusunod na baybayin:

1. Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz)
2. Mambuquiao, Camanci, at Batan, sa Aklan
3. Karagatan ng Panay
4. Pilar, President Roxas, Roxas City sa Capiz
5. Karagatan ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo
6. Baybayin ng Dauis
7. Tagbilaran City sa Bohol
8. Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

Dahil sa mga nadiskubreng toxin, pinag-iingat ng BFAR ang publiko laban sa pagkain ng shellfish na nakukuha mula sa mga naturang katubigan dahil sa mapanganib ito sa kalusugan.

Gayonpaman, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimangong nahuli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.