-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Umabot na sa halos dalawang linggo ang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga coastal areas sa ilang bayan ng Western Pangasinan.
Hanggang ngayon kasi, positibo pa rin sa red tide toxins ang baybayin o coastal waters sa mga bayan ng Anda at Bolinao.
Kaugnay nito, patuloy ang pag-abiso ng BFAR sa mga residente na bawal munang hulihin, ibenta at kainin ang mga shellfish sa kanilang karagatan.
Ayon pa sa tanggapan, ang namataang red tide toxins sa mga nabanggit na bayan ay lubhang peligroso sa kalusugan ng publiko.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at alimango na mahuhuli mula sa Anda at Bolinao, subalit kinakailangang matiyak na sariwa ito at hinugasang maigi.