Tinutulan ng ilang eksperto ang mungkahing i-redefine ang terminong “fully vaccinated” para sa mga indibidwal na nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isa ito sa mga kasalukuyang pinag-uusapan sa Department of Health (DOH), ngunit sinabi aniya ng mga eksperto na hindi ito nararapat kung kaya”t naghahanap pa raw sila ng ebidensya at practices na ginagawa ito sa ibang bansa.
Idinagdag din ng undersecretary na ang mga institusyon kabilang na ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi binago ang kahulugan ng “fully vaccinated”, ngunit binanggit din niya na gingamit nito ang mga katagang “up to date” ang ang ibig sabihin ay kinakailangan ng isang tao na magpabakuna pa ng booster shot matapos nitong matanggap ang kanilang primary series.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng mga pag-aaral ang DOH ukol dito at sinabing maglalabas sila ng abiso sa oras na matapos na ang lahat ng agreements.
Magugunita na una rito ay iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang terminong “fully vaccinated” ay gamitin lamang para tukuyin ang mga indibidwal na nakatanggap na ng booster dose at maglagay ng expiry date sa validity ng mga vaccination card, na papalitan naman ng booster card sa oras na ma-expire na ito.