Mahigpit na tututukan ngayon ng pambansang pulisya ang mga commercial centers, at mga places of convergence na siyang target ng mga sindikato para sa kanilang ibat ibang modus operandi ngayong holiday season.
Una ng ibinunyag ng PNP na sa buwan ng Disyembre tumataas ang kaso ng theft o pagnanakaw.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos na ngayong tapos na ang 31st ASEAN Summit ay redeployment sila sa kanilang mga personnel lalo na sa mga malls at mga matataong lugar gaya ng mga terminals, port at paliparan.
Sinabi ni Carlos na ang deployment ng mga pulis sa mga nasabing areas ay para na mabiktima ng mga mandurukot, Salisi Gang, Dura Gang at iba pa.
“May redeployment tayo ng mga personnel natin on these commercial centers tapos yung mga places of convergence at saka yung terminals kasi yung tao pupunta dyan for traveling tapos may magsasasili din, mandudukot, yan yung binabatayan naman ho natin para maiwasan natin mga ganitong klaseng krimen,” pahayag ni Carlos.
Kaya paalala ng PNP sa publiko na mag-ingat sa ibat ibang modus operandi ng mga criminal gang.
Malaking tulong ang police presence sa mga malls, commercial centers at places of convergence para ma minimize ang kaso ng pagnanakaw.
” First is having police presence in the area since these are the usual suspects ang ginagawa natin ay identified sila minamataan na natin yan. Ngayon ang tanong kung can we prevent them from going to the malls, wala naman syang ginagawang mali, binabatayan na lang natin. Kung meron syang existing na kaso at warrant of arrest
huhulihin ho natin,” dagdag pa ni Carlos.