CENTRAL MINDANAO-Pinulong ngayon ni Provincial Governor’s Office (PGO) Consultant Shirlyn Macasarte Villanueva at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Mercedita Foronda ang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers (MDRRMOs) at Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs) mula sa mga bayan Alamada, Aleosan, Pigcawayan, Midsayap at Libungan Cotabato.
Layunin ng pagpupulong na tingnan kung ano ang magiging posibleng hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa paligid ng Mt. Agkir-Agkir sa bayan ng Libungan.
Hiniling naman si Macasarte ang mga lokal na pamahalaan na magtulungan lalo na sa pagtatanim ng mga native trees o di kaya kawayan sa mga bundok at landslide prone areas ng probinsya para na rin sa kinabukasan ng darating na henerasyon.
Nagpahayag naman ng suporta si Department of Enviroment and Natural Resources Provincial Director Renato C. Domingo na tutulong sa planong reforestation program ng probinsya na isa sa prayoridad na programa ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza.