TEHRAN, iran – Nakuha ng reformist na si Masoud Pezeshkian ang tagumpay sa isinagawang presidential elections sa Iran.
Tinalo ni Pezeshkian ang kaniyang karibal sa pamamagitan ng malaking kalamangan.
Nangyari ito sa gitna ng matinding tensyon sa loob at labas ng kanilang bansa.
Mula sa 30.5 milyong boto na binilang sa runoff noong Biyernes, nanalo si Pezeshkian ng higit sa 16.3 milyon.
Dito ay tinalo niya ang kanyang ultraconservative rival na si Saeed Jalili, na nakakuha ng 13.5 milyon, ayon sa Iran media.
Nabatid na ang voter’s turnout ay may kabuuang 49.8% lamang.
Nahalal si Pezeshkian sa ikalawang round ng pagboto matapos makuha ang pinakamataas na bilang ng mga balota.
Ang bagong pangulo ay magiging kahalili ni President Ebrahim Raisi, na nasawi sa helicopter crash noong May 19, 2024.