KORONADAL CITY – Nadagdagan pa ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon dose matapos na maitala ang mga panibagong kaso na umakyat na sa 363.
Base sa ipinalabas na datos ng DOH-12, anim na buwan na sanggol ang naitalang pinakabatang pasyente ng COVID-19 sa rehiyon na taga-South Cotabato.
Kasalukuyan namang inaalam pa ang history of exposure nito.
Habang mas hinigpitan naman ng bayan ng Polomolok ang pagpapatupad ng health protocols matapos madagdadagan ng tatlo pa ang kaso sa kanilang lugar makaraang kumpirmahin mismo ng alkalde ng bayan na nakapagtala sila ng local transmission.
Patuloy naman ang panawagan ni Polomolok Mayor Honey Lumayag Matti sa kanyang mamamayan na sundin ang ipinatupad na mga health protocols at kung pwedeng iwasan ang pumunta sa mga lugar na maraming tao.
Sa ngayon, umakyat naman sa 253 ang mga naka-recover sa Region 12 matapos maitala ang 9 na mga panibagong gumaling.