GENERAL SANTOS CITY – Hugas kamay si Police Major Ananias Vasquez sa Tambler Police station sa nangyaring rambol sa reggae concert na sinagawa sa lpob ng tropicana resort sa Tambler nitong lungsod.
Ayon sa Opisyal na walang koordinasyon sa kanilang himpilan mula sa organizer ng nasabing concert kayat walang pulis na pinadala at magmonitor sa lugar .
Nalaman na ala una ng madaling araw kahapon nakatanggap ng report ang pulisya na may komosyon na nagyari kayat nirespondihan.
Pagpasok pa lamang ng mga pulis sa lugar kanya kanya ng tago ang mga tao kayat lima lamang ang kanilang naaresto na hindi nagsuot ng face mask gayong marami ang tao sa lugar.
Aminado din ang Opisyal na walang clearance na inisyu ang barangay para sa nasabing aktibidad at bayolisyon din ito sa health protocol at Executive Order 13 na inisyu ng local IATF.
Nalaman na noong Marso 29 nag apply ng Mayor permit si Romualdo Ambito ang Events and Promotion Officer ng Tropicana resort para magsagawa ng Reggae Night Jam subalit hindi pinayagan ng lungsod.
Hinahanapan din natin ng paraan na makuha ang sagot ni Rumualdo Hindi rin makita pagka ngayon ang nasabing event organizer na si Rumualdo dahil temporaryong sarado ang nasabing beach resort na pagmay-ari ng pamilya ni Gensan Mayor Ronnel Rivera.