-- Advertisements --

Ibinunyag ng Reggaeton superstar Don Omar na ito ay na-diagnosed ng cancer.

Sa social media account ng 46-anyos na Puerto Rican singer na si William Landron sa tunay na buhay ay kinumpirma ang malungkot na balita.

Nagpost pa ito ng wristband mula sa Orlando Health na nakasulat ang kaniyang pangalan.

Hindi naman na binanggit nito kung anong uri ng cancer ang dumapo sa kaniya.

Nakilala si Don Omar bilang “King of Reggaeton” kung saan nagwagi ito ng 17 Billboard Latin Music Award, tatlong Latin Grammy Awards at isang Billboard Music Awards.

Gumanap din ito bilang si Rico Santos sa “Fast and Furious” franchise.