Tanggap na ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang pagbabago ng kaniyang boses kung saan sinabi nito sa interview kay Ogie Diaz, na nagiiba na ang boses nito dulot ng nagkakaedad ito.
‘Nandoon na ako sa punto na I’m accepting how I sound now. Before kasi, nireresist ko pa, pero ngayon nandoon na ako how accepting things, ani Regine.
Gayunpaman ang mga pagbabagong nangyayari sa boses nito ay tinitignan naman ng singer bilang isang positibong pagbabago sa kanyang buhay.
‘I don’t sound the same anymore but I’ve grown to love how I sound now kasi ito na iyong pinoproduce ko now. Bagamat iba siya 20 years before, but because I have so much experience pati passion ko sa pagkanta, mayroon namang inimprove pagdating doon,’ pahayag pa ni Regine.
Dagdag pa ng Asia’s Songbird na nakatutok na lang ito ngayon sa mga opportunities na darating pa sa kanya at lubos aniya itong pinagpapasalamat.
Aniya kung hindi mo tatanggapin ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay mo ay patuloy ka lang masasaktan dahil sa buhay daw sa showbiz nangyayari ang mga ganito.
‘Ganoon yung buhay eh,..Na-experience ko na iyon and ngayon ienjoy ko na lang kung ano pa iyong nandyan. I’m just very grateful that I’m still here,’ ani Regine.
‘May raket pa naman ako, may nakikinig pa sa akin, may nanonood pa ng concert, may concert pa nga ako. Nothing for me to complain about,’ dagdag ng singer.
Nagumpisa ang karera ni Regine sa pagkanta tatlong dekada na ang nakakalipas kaya’t hindi rin sumayad sa isip nito at nang kanyang asawa na si Ogie Alcasid na mag retire ngunit patuloy lang din umano siyang bumabalik sa mga bagay na gusto niya pang gawin.
‘Mayroon din akong ganoong thinking but I figured, I can still sing eh. Nandyan pa naman siya kumbaga I might sound different from before, obviously kasi alangan naman I still sound in my 20s but I still have this gift and I’m supposed to share it,’ pagpapahayag ni Regine.
‘I had that 6 years na break and then when I moved back sa ABS, parang gusto kong kumanta ng kumanta.’
Maaalalang sinabi pa ng Singer sa mga nakaraang interview nito na mastutok siya sa mga bagong artist at palagi aniya sinusuportahan ang mga ito.
‘So noong medyo umokay na yung pangalan ko, parang medyo na-establish ko na iyong sarili ko, parang ayon yung naging purpose ko na now na to also support new artists,’ saad ni Regine.
Samantala naghahanda naman si Regine para sa kanyang ‘RESET’ concert series na tugtugin ang kaniyang mga original na mga kanta na gaganapin sa Pebrero 14 hanggang 15 at Pebrero 21 hnaggang 22 sa Makati City.