Nakisawsaw din sa isyu ang singer na si Regine Velasquez-Alcasid sa pamamagitan nang pagbatikos kay DFA Sec. Teddy Locsin Jr. sa gitna nang ulat na mass harvesting ng Chinese vessels ng clams sa Scarborough Shoal.
Una nang nabanggit ng top envoy ng Pilipinas aa kanyang social media account na Twitter na ayaw niyang maging “clam defender†at ang naturang usapin as tinawag pa niyang “just f**kng food.â€
Sagot naman ni Mrs. Alcasid sa sariling Twitter, akala raw niya matalinong tao ang kalihim, samantalang “teritoryo na ang pinag-uusapan at kinakamkam pa ng mga Chinese maging ang mga pagkain para sa mga Pinoy sa karagatan.â€
“Ako ay simpleng tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!â€
Nabanggit na rin ni Sec. Locsin na magsasagawa ng legal action ang pamahalaan laban sa pangunguha ng giant clams ng mga Chinese fishermen.