Kinumpirma ng Provincial Government ng La Union (PGLU) na gumaling at nakalabas na rin noong May 20, sa pagamutan ang 28-anyos na babaeng Covid 19 patient mula sa bayan ng Santo Tomas, La Union.
Sabay silang na-discharge ng isa pang COVID survivor na isang sanggol mula dito sa syudad ng San Fernando.
Dahil dito, nananatiling 2 na lamang ang active cases dito sa lalawigan mula sa bayan ng Balaoan at Bangar at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Ayon naman sa DOH Region 1, aabot na sa 15 ang mga gumaling mula sa Covid 19 dito sa lalawigan ng La Union.
Base sa DOH-CHD-1 COVID 19 reports, halos isang linggo nang walang nadagdag na kaso ng COVID 19 sa buong rehiyon uno at nanatiling 63 ang total confirmed cases, 47 ang recoveries kabilang ang dalawang bago sa La Union at nanatiling 12 ang total deaths.