-- Advertisements --

LA UNION – Patuloy ngayon inoobserbahan sa Ilocos Traning Regional and Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union ang tatlong Chinese nationals mula Shanghai, China na nakumpirma bilang patients under iInvestigation (PUI) dahil sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa Region 1.

Mismong si Dr. Eduardo M. Badua, medical center chief ng (ITRMC) ang nagpatotoo sa isinagawang Special Meeting of the Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region 1 sa EM Royale Hotel, San Juan, La Union.

Ayon kay Dr. Badua, unang nakita ang mga pasyente sa La Union Medical Center in Agoo, La Union noong Jan. 26, 2020 na may lagnat at sipon matapos silang manggaling sa China.

Sa araw ding yon, inilipat sila sa ITRMC kung saan kasalukuyan silang naka-admit.

Sa ngayon, pinapayuhan ang publiko na wala pa rin kumpirmadong kaso ng nCoV sa rehiyon habang isinasagawa ang confirmatory tests sa mga PUIs.

Gayunpaman, pinaalalahanan ang lahat na gawin ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang nasabing sakit.