-- Advertisements --

LA UNION – Nadagdagan na naman ng apat ang bilang ng bagong kaso ng Covid 19 sa Region 1.

Base sa datos ng Department of Health Region 1, aabot na sa 51 ang kaso ng Covid 19 sa rehiyon.

Mula sa nasabing datos, (17) na ang naka-recover; (12) ang naka home quarantine; (10) ang na admit sa hospital; at (12) ang naitalang namatay sa nakamamatay na virus.

Samantala, pinakamari pa rin ang naitalang kaso sa lalawigan ng Pangasinan (26); La Union (15); Dagupan City (7); Ilocos Norte (2); at Ilocos Sur (1).