-- Advertisements --
LA UNION – Nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng Covid 19 sa buong Region 1.
Base sa datos ng Department of Health Region 1, aabot na sa 60 ang naitalang positibong kaso ng Covid 19.
Mula sa nasabing bilang 35 ang recoveries habang nananatiling 12 ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Umakyat naman sa 20 ang naitalang positibong kaso ng Covid 19 sa lalawigan ng La Union as April 27 habang nasa 10 ang naitalang recoveries at 4 ang naitalang namata.