-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ibinida ni Retired Col. Renato Padua, Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) 12 na 100% compliant ang Region 12 sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Ayon rito, suportado ng mga transport groups sa Soccsksargen ang modernization program.

Aniya, layunin nito nga maging moderno ang transport system sa bansa.

Kayat sa Lunes wala umanong transport groups sa rehiyon ang lalahok sa isasagawang strike.

Ang transport strike na isasagawa sa Metro Manila at iba pang lugar ay bilang pagkontra sa PUV modernization program ng gobyerno.

Matatandaang, ang Gensan ang pilot area ng modernization program na kung saan marami na ring modern jeep o mini bus na ang bumabiyahe.