CAUAYAN CITY- Umakyat na 371 confirmed COVID postive sa buong rehiyon dos matapos makapagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID 19 kahapon sa region 12.
Ang walong panibagong kaso ay mula sa Cagayan, anim sa Isabela at isa sa Nueva Vizcaya.
Ang mga bagong panibagong kaso ng cagayan ay mula sa mga bayan ng Enrile, Lallo, Tuguegarao City habang sa Isabela ay mula sa mga bayan ng Benito Soliven, Quezon, Gamu at Quirino.
Habang sa Nueva Vizcaya ay galing sa bayan ng Solano na isang 8 months old na lalaki .
Kabilang sa labing dalawang panibagong kaso na si patient CV 363 na isang tsuper ng bus ay tinutukoy pa ang ilalagay na address kung sa Lunsod ng Tugugerao o Benito Soliven, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Llexter Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH region 2 na ang mga bagong naitalang COVID 19 positive ay mga locally stranded individual na mula sa National Capital Region habang si CV357 ay hindi pa natutukoy ang kanyang history of travel
Inihayag pa ni Ginoong Guzman patuloy ang kanilang pagbibigay impormasyon sa mga health measures na dapat sundin ng mga mamamayan.
Patuloy ang paggawa ng surveillance and epidimiology measure upang malaman ang mga datos at makita ang mga areas na kinakailangan ang konsentrasyon sa pagsugpo ng virus.