-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang region 2 ng 17 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at isang nasawi.

Sa nasabing bilang ay 4 ang mula sa Cagayan, 6 sa Isabela, 6 din sa Santiago City habang isa sa lalawigan ng Batanes.

Ang 4 na nagpositibo sa Cagayan ay 4 ang mula sa Tuguegarao City at isa sa bayan ng Enrile habang ang 6 na bagong kaso sa Isabela ay 2 sa Cabagan habang tig-iisa sa Tumauini, Naguilian, Gamu at Angadanan habang ang kauna-unahang naitala sa lalawigan ng Batanes ay mula sa Basco.

Sa kabuuan ay umabot na sa 1,686 ang naitalang kaso sa rehiyon 2 habang 1,205 na ang nakarekober.

Nasa 453 naman ang aktibong kaso habang umakyat na sa 28 ang nasawi.

Sa ngayon ay umabot na sa 623 ang naitalang kaso sa Isabela, 111 ang aktibong kaso, 506 ang nakarekober at anim ang nasawi.

Ang Nueva Vizcaya naman ay may 559, 231 ang aktibo, 311 ang nakarekober at 17 ang nasawi.

Sa lalawigan naman ng Cagayan ay may naitala ng 412 na kaso, 94 ang active cases, 314 ang nakarekober habang apat ang nasawi.

Sa Santiago City naman ay umakyat na sa 86, 16 ang aktibong kaso, 69 ang nakarekober habang isa ang nasawi.

Nananatili namang lima ang naitalang kaso sa lalawigan ng Quirino na pawang nakarekober na.